TIMBOG SA HOT PURSUIT Ang 2 suspek sa umano'y carnapping sa General Santos City
- Feb 27
- 1 min read
iMINDSPH

Himas rehas ang dalawang hinihinalang sangkot sa carnapping sa isinagawang hot pursuit operation ng mga awtoridad sa Barangay Labangal.
Kinilala ang mga naarestong suspek sa alyas na “Zayto”, 32-anyos, at “Bry-Bry”, 25-anyos, kapwa binata, self-employed, at residente ng Barangay Labangal, General Santos City.
Nakatanggap umano ng reklamo ang awtoridad hinggil sa motorsiklo na ninakaw sa Barangay Fatima, General Santos City. Agad na isinagawa ang hot pursuit laban sa mga suspek.
Bandang alas-9:00 ng gabi, araw ng Martes, Feb 25 nang maaresto sa Makar Warp, Barangay Labangal ang mga suspek matapos ang agarang hot, pursuit operation ng pinagsanib na pwersa ng Police Station 7 ng General Santos City Police Office, Regional Intelligence Unit 12, Gensan Maritime Police Station, Task Force Gensan, at City Mobile Force Company ng GSCPO.
Isasailalim ang dalawang suspek sa physical at medical examination saka i-turn over sa Police Station 7 para sa wastong kustodiya habang inihahanda ang kasong carnapping para sa inquest proceedings.



Comments