TIMBOG SA MANHUNT OPERATION ang regional most wanted person na nahaharap sa kasong may kinalaman sa pang-aabuso sa President Quirino
- 4 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Sa Sultan Kudarat Province—
Arestado ang isang Regional Most Wanted Person sa isinagawang manhunt operation ng mga awtoridad sa bayan ng President Quirino.
Kinilala ang naarestong suspek sa alyas na “Menard”, 54 anyos, residente ng Brgy. Bannawag, President Quirino.
Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Acts of Lasciviousness sa ilalim ng Republic Act 7610, o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
Isinagawa ang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng President Quirino Municipal Police Station, Sultan Kudarat Police Provincial Office, at iba pang yunit ng pulisya at intelligence units sa ilalim ng Police Regional Office 12.
Dinala na ang suspek sa kustodiya ng President Quirino MPS para sa tamang dokumentasyon at disposisyon.



Comments