TIMBOG SA OPERASYON ang 34-anyos na lalaki sa Cotabato City matapos isilbi ng awtoridad ang Warrant of Arrest sa kasong Qualified Theft
- 3 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Sa Cotabato City pa rin—
Arestado ang isang lalaki matapos isilbi ng mga awtoridad ang warrant of arrest kaugnay ng kasong qualified theft. Kinilala ang naarestong akusado na si alyas "Mansour", 34 anyos, residente ng Barangay Poblacion 7, Cotabato City.
Alas-8:00 ng umaga, araw ng Huwebes, March 26, nang magsagawa ng operasyon ang tracker team ng Police Station katuwang ang Kabuntalan Municipal Police Station at Maguindanao MARPSTA RMU-BAR.
Isinilbi ng mga operatiba ang warrant of arrest laban sa akusado para sa kasong Qualified Theft sa ilalim ng Article 310 ng Revised Penal Code.
Ang warrant ay inisyu ng Regional Trial Court, Branch 14, Cotabato City, na may kaukulang piyansa na itinakda sa halagang ₱40,000.
Ang nasabing warrant ay ihaharap din sa korte na nag-isyu nito para sa kaukulang proseso.



Comments