top of page

Timor-Lester, ika-labing isang bansa na kasapi ng ASEAN matapos lagdaan ang declaration ng admission nito, araw ng Linggo sa 47th ASEAN Summit

  • Diane Hora
  • Oct 27
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Isa sa mga highlights sa pagbubukas ng 47th Association of Southeast Asian Nations O ASEAN Summit and Related Summit Kuala Lumpur Convention Center (KLCC) sa Malaysia, araw ng Linggo, October 26, ay ang paglagda ng declaration ng admission ng Timor-Leste sa ASEAN, na pormal na kumikilala sa bansa bilang ika-labing-isang miyembrong estado ng regional organization


Sa nasabing sesyon, tinalakay ng mga pinuno ang mahahalagang usapin kaugnay ng ASEAN community-building at external relations, kabilang na ang mga hakbang upang higit pang mapalalim ang regional integration, mapasigla ang ekonomiya, at mapahusay ang konektibidad sa buong rehiyon.


Pinag-usapan din ang mga paraan upang mapagtibay ang pagkakaisa at centrality, gayundin ang pagpapatibay ng pangako ng regional bloc sa isang rules-based multilateral order sa gitna ng patuloy na pagbabago ng pandaigdigang geostrategic landscape.


Isa sa mga tampok na bahagi ng Plenary Session ang Handover Ceremony ng Second Protocol para amyendahan ang ASEAN Trade sa Goods Agreement o ATIGA, isang free trade agreement na layuning mapadali ang kalakalan sa rehiyon sa pamamagitan ng pagbawas at pag-aalis ng mga taripa at non-tariff barriers.


Para sa Pilipinas, muling pinagtibay ni President Marcos Jr. ang pangako ng bansa sa isang future-ready ASEAN at kinilala ang responsibilidad ng Pilipinas na manguna sa unang taon ng pagpapatupad ng strategic plans para sa ASEAN 2045.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page