top of page

Tinanggap ng mahigit 3,500 indigent senior citizens ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte ang kanilang social pension mula sa MSSD BARMM

  • Feb 20
  • 1 min read

iMINDSPH



3,568 indigent senior citizens mula sa 34 barangay sa bayan ng Datu Odin Sinsuat ang tumanggap ng kanilang social pension sa ilalim ng Social Pension o SocPen for Indigent Senior Citizens Program.


Isinagawa ang payout mula Pebrero 3 hanggang 9, 2026.


Sa ilalim ng programa, bawat benepisyaryo ay tumatanggap ng PHP 1,000 buwanang social pension upang makatulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan, partikular sa pagkain at maintenance medicines.


Ang Social Pension Program ay isang nationally funded initiative na ipinatutupad ng MSSD sa buong BARMM bilang bahagi ng mas malawak na mandato ng Bangsamoro Government na magbigay ng kalinga at social protection sa mga nakatandang indigent. (AJAM/ICD)

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page