Cotabato City Mayor Bruce Matabalao, nakibahagi sa 2nd Bangsamoro Housing and Human Settlements Forum ng ministry of human settlement and development
- Diane Hora
- Oct 8
- 1 min read
iMINDSPH

Disenteng bahay ang isa sa mahahalagang pangangailangan ng tao, kaya sa patuloy na pagsusulong ng maayos at ligtas na tirahan para sa bawat Bangsamoro, naging sentro ito ng isinagawang 2nd Bangsamoro Housing and Human Settlements Forum na pinangunahan ng Human Settlement and Development.
Layunin ng dalawang araw na forum ang pagtibayin ang mga programa sa pabahay sa Bangsamoro Region.
Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, mga lokal na opisyal at development partners na sanib-pwersa upang talakayin ang mahalagang isyu sa pabahay at human settlements sa BARMM.
Kabilang sa mga pangunahing paksa ang urban planning, pabahay na abot-kaya, green housing initiatives at pananatili ng kalikasan at sustainability sa mga itinatayong komunidad.
Sa pagbubukas ng forum, binigyang-diin sa mensahe ni Cotabato City Mayor Bruce Matabalo na ipinaabot sa pamamagitan ni Administrator Mahaleah Midtimbang, na ang maayos at abot-kayang pabahay ay pundasyon ng kapayapaan at kaunlaran sa Bangsamoro Region.
Isa rin sa mga layunin ng forum na makabuo ng mga konkretong rekomendasyon at estratehiya para sa mas pinatibay na kolaborasyon at sa pagitan ng mga sektor, upang ang bawat Bangsamoro ay may ligtas, maayos at sustainable na mga tahanan



Comments