Title II ng Proposed Bangsamoro Revenue Code, Hinimay muli ng Ways and Means Committee ng BTA Parliament
- Diane Hora
- Jan 10
- 1 min read
iMINDSPH

Usapin sa mga ginamit na termino, administration ng regional taxes, deputization ng local governnent units, digitalization ng tax collection at real property tax ang tinalakay sa pagdinig ng komite, araw ng Huwebes, January 9.

Napasailalim ang mga usaping ito sa mga probisyong sakop ng Title II ng Paraliament Bill No. 286.

Mayroong mahigit 400 provisions ang panukalang batas.

Kaya binigyang diin ni Ways and Means Committee Chair Paisalin Tago ang kahalagahan ng malinaw na kahulugan ng regional taxes.

Nagbigay naman ng rekomendasyon si Mindanao State University-Marawi Professor Amanoding Esmail, consultant para sa BRC, ang shifting responsibility para sa tax enforcement sa mga LGUs sa iba’t ibang lebel sa provincial, municipal, at barangay.
Ang decentralization ayon sa propesor, ay magpapalakas sa local governments at pagpapataas ng efficiency sa tax collection.
Dagdag sa rekomendasyon ng opisyal ang pagproseso ng tax payment sa pamamagitan ng accredited banks.
Target ng komite na isapinal ang deliberasyon sa Maynila sa susunod na linggo at nakatakda nito ipresenta ang report sa resumption ng regular session ng BTA ngayong Enero o Pebrero.
Comments