top of page

TOP 10 MOST WANTED Arestado sa manhunt operation ng pulisya sa Pagadian City

  • Mar 5
  • 1 min read

iMINDSPH



Ang suspek ay 35-anyos, may asawa, walang trabaho, residente ng Pagadian City.


Ang suspek ay may Warrant of Arrest para sa kasong Acts of Lasciviousness kaugnay ng paglabag sa RA 7610, na may Criminal Case Number 21-6215 na inisyu noong January 13, 2026 ng Acting Presiding Judge ng RTC Branch 21, 12th Judicial Region, Kapatagan, Lanao del Norte, na may inirekomendang piyansang ₱108,000 para sa pansamantalang kalayaan.


Isinagawa ang operasyon ng Tracker Team ng Kapatagan Municipal Police Station katuwang ang 1005th RMFB 10, 2nd PMFC Lanao del Norte, PIU Lanao del Norte, at Nunungan Municipal Police Station.


Kasalukuyang nasa kustodiya ng Kapatagan Municipal Police Station ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago dalhin sa korte na naglabas ng warrant.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page