Top 10 Most Wanted ng PNP PRO 12, arestado sa Isulan, Sultan Kudarat
- Teddy Borja
- Oct 3
- 1 min read
iMINDSPH

Himas rehas ang isang binata matapos maaresto sa bisa ng warrant of arrest sa kasong frustrated murder. Ang suspek ay kabilang sa listahan ng Top 10 Most Wanted ng awtoridad
Ang suspek ay kinilala sa alyas na “Chuckie”.
Inaresto ito araw ng Miyerkules, October 1.
Ang kanyang warrant of arrest ay inisyu ng Regional Trial Court, 12th Judicial Region, Branch 19, Isulan, Sultan Kudarat, noong Agosto 14, 2025.
Dalawang daang libong piso ang inirerekomendang piyansa ng awtoridad sa kaso.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Isulan MPS ang akusado para sa kaukulang disposisyon.



Comments