Top 10 Most Wanted ng Region 11, timbog matapos isilbi ng awtoridad ang warrant of arrest sa kasong paglabag sa Republic Act 7610
- Teddy Borja
- Oct 7
- 1 min read
iMINDSPH

Tiklo ang Top 10 Most Wanted Person ng Davao Region na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
Kinilala ang naarestong suspek sa alyas na “Mak-Mak”.
Ang warrant of arrest ay inisyu ng Family Court, Eleventh Judicial Region, Branch 9, Lupon, Davao Oriental noong Hulyo 15, 2025, na may inirerekomendang piyansa na ₱200,000.00.
Ang operasyon ay naisakatuparan sa ilalim ng direktang superbisyon ni PCOL Melvin Montante, Chief, RID11, at bunga ng kolektibong impormasyon mula sa Barangay Intelligence Network (BIN) at pakikipag-ugnayan sa iba pang law enforcement units at intelligence sources.



Comments