Top 10 Most Wanted Person ng PNP PRO 12 na nahaharap sa kasong murder, arestado ng awtoridad sa Aleosan, Cotabato
- Teddy Borja
- Sep 29
- 1 min read
iMINDSPH

Nasakote ng awtoridad ang Top 10 Regional Level Most Wanted Person ng PNP PRO 12 na nahaharap sa kasong murder.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Tan”.
Inaresto ang suspek, araw ng Sabado, September 27 sa Barangay Lawili, Aleosan, Cotabato sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Presiding Judge ng Midsayap, Cotabato na may petsa na March 6, 2019.
Sumailalim na sa medical examination ang suspek at kasalukuyang nakapiit sa Aleosan Municipal Police Station.



Comments