Top 10 Regional Level Most Wanted Person, dinakip ng awtoridad sa kasong statutory rape
- Teddy Borja
- Feb 4
- 1 min read
iMINDSPH

Tiklo ang top 10 regional-level most wanted person matapos masakote ng pulisya sa kasong statutory Rape.
Kinilala ang naarestong suspek sa alyas na “Tonyo”, 19-anyos, binata, residente ng Barangay Alegria, Alabel, Sarangani Province, at kabilang sa Top 10 Regional Level Most Wanted Persons.
Isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong statutory Rape.
Dinala ang akusado sa Police Station 1, GSCPO para sa wastong dokumentasyon at disposisyon bago i-turn over sa hukuman na naglabas ng warrant.



Comments