top of page

Top 10 Regional-Level Most Wanted Person ng PNP PRO 12, arestado sa Banga, South Cotabato dahil sa kasong rape

  • Jan 16
  • 1 min read

iMINDSPH


Arestado ng pulisya ang isang lalaki na kabilang sa Top 10 Regional-Level Most Wanted Person ng PNP PRO 12, sa isinagawang manhunt operation kaugnay ng kasong rape.


Bandang alas-6:30 ng gabi, January 13, 2026, naaresto ang suspek na kinilalang si alias “Piloy”, 40 taong gulang, may asawa, isang laborer, at residente ng Barangay Kusan, Banga, South Cotabato.


Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court ng Surallah, South Cotabato noong Oktubre 6, 2025, para sa kasong Rape na may kaugnayan sa Republic Act 7610. Ang naturang warrant ay walang inirekomendang piyansa.


Dinala ang akusado sa Banga Municipal Police Station para sa wastong dokumentasyon at disposisyon bago iturn-over sa korte na pinagmulan ng kaso.


 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page