Top 10 Regional-Level Most Wanted Person ng PNP PRO 12, arestado sa Matalam, Cotabato dahil sa kasong rape
- Jan 21
- 1 min read
iMINDSPH

Himas rehas ang isang driver na Top 10 Most Wanted Person ng PNP PRO 12 matapos isilbi ang warrant of arrest kaugnay ng kasong rape.
Kinilala ang suspek bilang si alias “Joe”, 58 taong gulang, may asawa, driver, at residente ng Purok 4B, Barangay Ugalingan, Carmen, Cotabato. Siya ay kabilang sa Top 10 Most Wanted Person ng PNP PRO 12.
Inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ng Regional Trial Court, Kabacan, Cotabato noong April 5, 2024, para sa kasong Rape, na may walang inirekomendang piyansa.
Matapos ang pag-aresto, agad na dinala ang akusado sa Matalam Municipal Police Station para sa wastong dokumentasyon at kaukulang disposisyon.



Comments