top of page

TOP 10 REGIONAL MOST WANTED, ARESTADO Sa ikinasang operasyon ng pulisya sa Palimbang, Sultan Kudarat sa kasong murder

  • Mar 10
  • 1 min read

iMINDSPH



Kinilala ang naarestong suspek sa alyas na “Daks”, 80 taong gulang, isang magsasaka at residente ng Barangay Malatunol, Palimbang, Sultan Kudarat.


Isinagawa ang operasyon bandang 11:00 ng umaga, March 9, sa naturang barangay sa pamamagitan ng joint operation ng Palimbang Municipal Police Station at 2nd Sultan Kudarat Provincial Mobile Force Company.


Naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ng Regional Trial Court sa Isulan, Sultan Kudarat noong December 16, 2025, na walang inirekomendang piyansa.


Agad dinala ang suspek sa Palimbang Municipal Police Station para sa tamang dokumentasyon at kaukulang disposisyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page