Top 3 at Top 4 Most Wanted sa Cebu sa magkahiwalay na manhunt operations ng awtoridad
- Feb 24
- 1 min read
iMINDSPH

Nasakote ng awtoridad ang dalawang most wanted persons sa magkahiwalay na manhunt operations ng pulisya.
Himas rehas ang Top 3 Provincial Most Wanted Person sa Barangay Jugan, Consolacion dahil sa kasong Statutory Rape. Ang warrant of arrest ay inilabas ng Regional Trial Court Branch 9 Danao City na may petsang February 19, 2026, at walang inirekomendang piyansa.
Naaresto naman bandang alas-9:15 ng umaga ang Top 4 Provincial Most Wanted Person sa Gonzales Compound, Barangay Kamputhaw, Cebu City. Nahaharap siya sa paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act No. 9165 sa bisa ng warrant for service of sentence na inilabas ng Regional Trial Court Branch 15 Cebu City, na may petsa ring February 19, 2026.
Nakakulong na ang dalawang naaresto para sa tamang disposisyon at commitment ng korte



Comments