top of page

Top 3 Regional Level HVI, arestado sa ikinasang operasyon ng mga tauhan ng Davao City Police Office; Mahigit 1 million pesos na halaga ng suspected shabu, nakumpiska

  • Teddy Borja
  • Aug 6
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Timbog ang Top 3 Regional-Level HVI, sa matagumpay na operasyon ng mga tauhan ng Davao City Police Office kung saan namsam din ang mahigit 1 million pesos na halaga ng suspected shabu.


Isinagawa ng mga tauhan ng Davao City Police Office ang operasyon, a-4 ng Agosto, 2025 sa Bago Uma, Menterbro, Barangay Ilang, Davao City, kung saan naaresto si alias “Am-Am”.


Sa bisa ng search warrant, nakumpiska mula sa operasyon ang 153 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang Standard Drug Price (SDP) na PhP 1,040,400.00.


Bukod sa ilegal na droga, narekober din ang mga sumusunod na ebidensya:

• Limang heat-sealed sachets ng hinihinalang shabu

• Isang maroon coin purse

• Tatlong PhP 100 na papel

• Isang brown sling bag

• Isang unit ng .38 revolver na may dalawang bala


Pinuri ni PBGEN Joseph R. Arguelles, Regional Director ng Police Regional Office 11 (PRO 11), ang tagumpay ng operasyon.


Ayon kay PBGEN Arguelles, ang matagumpay na operasyon ay patunay ng patuloy na malawakang kampanya ng PRO 11 laban sa ilegal na droga, alinsunod sa direktiba ng Chief, PNP PGEN Nicolas Torre III, upang hulihin ang mga high-value targets at buwagin ang kanilang mga operasyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page