top of page

Top 5 Most Wanted Provincial ng Sarangani PNP, na nahaharap sa kasong acts of lasciviousness at qualified rape of a minor, nadakip sa bayan ng Kiamba

  • Jan 5
  • 1 min read

iMINDSPH



Nasakote ng awtoridad ang Top 5 Most Wanted Person Provicial Level na nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness. Kinilala ang suspek sa alyas na “Mar”, 55 taong gulang, may asawa, at residente ng Barangay Kapate, Kiamba, Sarangani Province.


Inaresto ang suspek sa bisa ng mga warrant of arrest kaugnay ng Acts of Lasciviousness at Qualified Rape of a Minor sa ilalim ng Revised Penal Code, na inisyu ng Family Court ng Regional Trial Court Branch 10 sa Alabel, Sarangani noong Disyembre a-kuwatro, 2025.


Isinagawa ang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Kiamba Municipal Police Station, 1204th Regional Mobile Force Battalion 12, 2nd Sarangani Provincial Mobile Force Company, Kiamba MLET, PIB-PIU ng Sarangani PPO, at RID 12 Tracker Team Foxtrot.


Kaasalukuyang nasa kustodiya na ng Kiamba Municipal Police Station ang suspek para sa wastong dokumentasyon at paghahain ng kaukulang kaso.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page