top of page

Top 5 Regional Most Wanted Person, arestado ng awtoridad sa isang intel-driven checkpoint operation

  • Jan 2
  • 1 min read

iMINDSPH



Top 5 Regional Most Wanted Person, arestado ng awtoridad sa isang intel-driven checkpoint operation

Isinagawa ang pag-aresto noong Disyembre 31, 2025 sa isang checkpoint operation na bunga ng mas pinaigting na intelligence coordination ng mga awtoridad.


Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay ng kasong Statutory Rape, kung saan walang inirekomendang piyansa.


Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Rajah Buayan Municipal Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.


Pinangunahan ang operasyon ng Rajah Buayan Municipal Police Station sa pamumuno ni PCPT Joel S. Lebrilla, katuwang ang Datu Hoffer Municipal Police Station, Provincial Intelligence Unit ng MDSPPO, Regional Intelligence Division ng PRO BAR, Provincial Intelligence Team MDS, Regional Intelligence Unit 15, at 33rd Infantry Battalion ng Philippine Army.


 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page