Top 6 Most Wanted Person ng Davao del Sur, arestado sa manhunt operation sa Malalag, Davao del Sur kaugnay sa kasong murder
- LERIO BOMPAT
- Jan 12
- 1 min read
iMINDSPH

Timbog ang isang magsasaka na top 6 Most Wanted Person Provincial Level sa manhunt operation na ikinasa ng awtoridad kaugnay ng kasong murder. Inaresto ang suspek sa Purok 5, Barangay San Isidro, Malalag, at kinilala sa alyas na “Ali”, 43-anyos, may asawa, magsasaka, at residente ng Sitio Datal Lutay, Barangay Blaan, Malungon, Sarangani Province.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong Murder sa ilalim ng Criminal Case No. 00245-17. Ang warrant of arrest ay inisyu ng Regional Trial Court, 11th Judicial Region, Branch 50, Alabel, Sarangani Province, na may petsang Nobyembre 25, 2025, at walang inirekomendang piyansa.
Matapos ang pagkakaaresto, ang akusado ay isinailalim sa kustodiya ng Malungon Municipal Police Station para sa tamang dokumentasyon at legal na disposisyon.



Comments