Top 7 City-Level-High-Value Target ng Davao City Police Office, timbog sa intel-driven operation; P272,000 halaga ng suspected shabu, nasamsam
- Teddy Borja
- Aug 27
- 1 min read
iMINDSPH

Timbog ang Top 7 City-Level-High-Value Target sa ikinasang operasyon ng mga tauhan ng Davao City Police Office.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Angkol”.
Inaresto ito, araw ng Sabado, August 23 sa Palcata Drive, Barangay Vicente Hizon sa Davao City.
Ang matagumpay na operasyon ay sanib pwersa na ikinasa ng mga tauhan ng
DCPO City Drug Enforcement Unit, City Special Operations Group (CSOG) kasama ang Regional Police Drug Enforcement Unit 11 (RPDEU XI), City Intelligence Unit (CIU), Police Station 4 – Sasa, at PDEA XI.



Comments