Top 7 Most Wanted ng Cotabato Province, timbog sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong statutory rape, 2 counts ng lascivious conduct at sexual assault
- Teddy Borja
- Sep 5
- 1 min read
iMINDSPH

Himas rehas ang isang manggagawa na kabilang sa listahan ng Top 7 Most Wanted ng Cotabato Province sa kasong statutory rape, 2 counts ng lascivious conduct at sexual assault.
Ikinasa ang operasyon, araw ng Miyerkules, September 3, 2025 sa Barangay Badiangon ng bayan.
Ang Warrant of Arrest ay inisyu ni Judge Vicente Cuanang Dumbrigue, Presiding Judge ng RTC, Branch 61, 12th Judicial Region, Kidapawan City, North Cotabato, na may petsa na August 11, 2025.
Tig-200,000 pesos ang inirekomendang piyansa ng korte sa kasong Rape by Sexual Assault at Statutory Rape at 200,000 pesos din para sa kasong lascivious conduct.
Dinala na sa Arakan Municipal Police Station ang suspek para sa wastong disposition.



Comments