Top 8 Most Wanted, arestado ng awtoridad sa Cotabato City
- Teddy Borja
- Sep 2
- 1 min read
iMINDSPH

Timbog ang isang Top 8 Most Wanted matapos isilbi ng awtoridad ang Warrant of Arrest.
Ikinasa ng awtoridad ang operasyon, ala 6:30 ng gabi, araw ng Lunes, September 1.
Batay sa ulat, ang suspek ay may nakabinbing warrant para sa paglabag sa Section 28 (E)(1) kaugnay ng Section 28 (A) ng Republic Act 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Kasalukuyang nasa kustodiya na ng pulisya ang naarestong indibidwal at nakatakdang i-turn over sa korte na naglabas ng warrant para sa nararapat na disposisyon.
Muling tiniyak ng Police Regional Office–Bangsamoro Autonomous Region (PRO BAR), sa pamumuno ni PBGEN Jaysen De Guzman, ang kanilang buong suporta sa pinaigting na kampanya laban sa kriminalidad.
Aniya, bahagi ito ng masusing operasyon upang matiyak na ang mga wanted persons ay nahuhuli at naihaharap sa hustisya para sa kaligtasan at kapayapaan ng komunidad.



Comments