top of page

Top 8 Most Wanted ng PNP Lanao del Sur at Most Wanted Robbery suspek, arestado

  • Teddy Borja
  • Sep 9
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Timbog ang isang Most Wanted Robbery suspek na kabilang din sa Top 8 Most Wanted Person sa probinsya.


Sa pagpapatuloy ng pinaigting na kampanya ng Philippine National Police (PNP) laban sa mga wanted persons, matagumpay na naaresto ng Police Regional Office–Bangsamoro Autonomous Region (PRO BAR) at Regional Intelligence Unit-15 ang isa sa mga most wanted robbery suspects ng Lanao del Sur sa Barangay Inudaran, Marantao.


Isinagawa ang operasyon sa bisa ng na warrant of arrest.


Kinilala ang suspek sa alyas na “Saliling” at nasa hustong gulang.


Ang pagkakaaresto sa kanya ay resulta ng intelligence-driven operation.


Pinuri ni PBGEN Jaysen C. De Guzman, Regional Director ng PRO BAR, ang dedikasyon ng mga operating units at binigyang-diin ang mahalagang papel ng kooperasyon ng publiko.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page