top of page

Top 9 Regional Most Wanted arestado sa isinagawang manhunt operation ng pulisya dahil sa kasong murder

  • Feb 25
  • 1 min read

iMINDSPH



Tiklo ng pulisya isang Most Wanted Person na nahaharap sa kasong murder sa isinagawang manhunt operation ng Police Regional Office 12.


Kinilala ang suspek sa alyas na “Daklas”, 26-anyos, magsasaka, at itinuturing na Top 9 Regional Most Wanted Person.


Ang pag-aresto ay sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa.


Ang operasyon ay isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng Palimbang Municipal Police Station at 2nd Sultan Kudarat Provincial Mobile Force Company.


Kasalukuyang nasa kustodiya ng Palimbang Municipal Police Station ang suspek para sa wastong dokumentasyon at disposisyon bago iharap sa hukuman na naglabas ng warrant of arrest.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page