Top 9 Regional Most Wanted ng PNP PRO 12, arestado ng awtoridad matapos isilbi ang Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa RA 9165
- Teddy Borja
- Oct 29
- 1 min read
iMINDSPH

Timbog ang Top 9 Regional Most Wanted ng PNP PRO 12 matapos isilbi ang Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Usting”, 29-anyos.
Inaresto ito araw ng Lunes, October 27 sa Barangay Poblacion, Kidapawan City.
Ang naarestong indibidwal ay dinala sa Kidapawan City Police Station para sa wastong dokumentasyon at disposisyon.



Comments