TOP 9 REGIONAL MOST WANTED Timbog sa General Santos City dahil sa kasong murder
- Feb 27
- 1 min read
iMINDSPH

Arestado ang isang Regional Most Wanted Person na nahaharap sa kasong murder sa isinagawang operasyon ng mga otoridad.
Kinilala ang naarestong suspek sa alyas na “Mak-Mak”, 50-anyos, may asawa, walang trabaho, at residente ng Barangay San Jose, General Santos City.
Ang akusado ay kabilang sa Top 9 Regional Level Most Wanted Person. Inaresto ito sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas noong Enero 7, 2026 ng presiding judge, na walang inirekomendang piyansa.
Bandang alas-12:10 ng madaling araw ng Miyerkules, Feb 6, nang isagawa ng mga operatiba, katuwang ang City Intelligence Unit ng General Santos City Police Office, ang isang focused operation sa Lansang Village, Barangay Apopong na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek.
Ang suspek ay dinala sa himpilan ng pulisya para sa dokumentasyon at wastong disposisyon, at kalaunan ay ituturn-over sa korte na naglabas ng warrant.



Comments