Top priority drug personality at 2 kasamahan nito, arestado sa Hagonoy, Davao del Sur; ₱353K halaga ng suspected shabu at drug paraphernalia, nasamsam
- Teddy Borja
- 7 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Tiklo ang isang top priority drug personality at dalawa pa nitong kasamahan matapos makumpiskahan ng mahigit ₱353,000 halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa bayan ng Hagonoy.
Kinilala ang mga naaresto sa mga alyas na “Binsoy”, na itinuturing na top priority illegal drug personality, at kasamahan nito na sina alyas “Jacky” at alyas “Tonton”.
Narekober mula sa mga suspek ang labing-isang heat-sealed plastic sachets ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 52.03 gramo at tinatayang halagang ₱353,804.00 batay sa National Standard Drug Price.
Nasamsam din ang iba’t ibang drug paraphernalia kabilang ang mga aluminum foil, improvised tooter, digital weighing scale, at isang Android mobile phone.
Ang mga naarestong suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Hagonoy Municipal Police Station para sa wastong dokumentasyon, disposisyon, at paghahain ng kaukulang kaso sa paglabag sa Sections 5 at 11 ng Republic Act No. 9165.



Comments