Top Regional, Provincial at Municipal Level Most Wanted Person na nahaharap sa kasong statutory rape, arestado sa Baungon, Bukidnon
- Jan 12
- 1 min read
iMINDSPH

Tiklo ang isang Most Wanted Person matapos isilbi ang warrant of arrest kaugnay ng kasong statutory rape.
Bandang alas-6:43 ng gabi noong Enero 10, 2026, isinilbi ng tracker team ng Tagoloan Municipal Police Station ang warrant of arrest na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang 21-anyos na lalaki, binata, at residente ng Zone 4, Barangay Baluarte, Tagoloan, Misamis Oriental.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong Statutory Rape, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court, 10th Judicial Region, Branch 22, Cagayan de Oro City, na may petsang Disyembre 4, 2025, at walang inirekomendang piyansa.
Ayon sa pulisya, ang suspek ay kabilang sa listahan ng Most Wanted Person bilang Top 8 sa Regional Level, Top 6 sa Provincial Level, at Top 3 sa Municipal Level.
Nasa Tagoloan Municipal Police Station na ang suspek para sa tamang dokumentasyon at disposisyon, habang hinihintay ang pagbabalik ng warrant.



Comments