iMINDSPH
Nagharap sa ikinasang consultative meeting ang mga traditional leaders ng Maguindanao, mga opisyal ng UBJP at ang standard-bearer ng partido para sa gubernatorial race sa Maguindanao del Sur, Datu Ali Midtimbang. Nagpulong ang mga ito hinggil sa mga i-endorsong kandidato sa lalawigan para sa 2025 elections.
Usapin sa mga i-endorsong local candidates sa probinsya ng Maguindanao del Sur para sa 2025 elections ang isa sa mga tinalakay sa ginanap na consultative meeting ng United Bangsamoro Justice Party o UBJP sa pagitan ng mga traditional leaders ng probinsya at ng standard-bearer ng partido, Datu Ali Midtimbang.
Pinangunahan ni UBJP Secretary General at MDN Governor Abdulraof Macacua, Assistant Secretary to the Party President Nas Dunding, at UBJP MDS Provincial Executive Officer Sheikh Hashim Nando ang pulong.
Tinalakay din ang mga hamon at isyu na maaring kaharapin ng partido habang pinananatili nito ang genuine principles at mga magagandang layunin sa kanilang mga hangarin sa Bangsamoro.
Inaasahang namang ilalabas na ng UJBP ang opisyal na slate nito sa lalawigan ng Maguindanao del Sur matapos ang isinagawang meeting.
留言