top of page

Transportation Secretary Vince Dizon, itinalaga bilang bagong kalihim ng DPWH matapos tanggapin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang courtesy resignation ni Sec. Manuel Bonoan

  • Diane Hora
  • Sep 1
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Pormal nang tinanggap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagbibitiw ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan epektibo Setyembre 1, 2025.


Sa kanyang liham, ipinaabot ni Bonoan ang buong suporta sa panawagan ng Pangulo para sa accountability, transparency, at reporma sa loob ng kagawaran.


Bilang kapalit, hinirang ng Pangulo si Transportation Secretary Vince Dizon bilang bagong Kalihim ng DPWH.


Inatasan siya na magsagawa ng komprehensibong organizational sweep upang matiyak na ang pondo ng bayan ay nakalaan lamang sa mga proyektong pang-imprastraktura na tunay na nakikinabang at nagpoprotekta sa mamamayang Pilipino.


Upang mapanatili ang tuloy-tuloy na serbisyo sa Department of Transportation (DOTr), itinalaga rin ng Pangulo si Atty. Giovanni Lopez bilang Acting Secretary.


Si Lopez ay nanumpa bilang Undersecretary for Administration, Finance, and Procurement noong Pebrero 2025, at dati nang nagsilbing Chief of Staff sa Office of the Secretary. Kabilang sa kanyang mga nasakupan ang mahahalagang proyekto sa railway, aviation, at maritime infrastructure.


Bilang pansamantalang pinuno ng DOTr, sisiguruhin ni Lopez ang pagpapatuloy at pagpapalakas ng mga inisyatibang nasimulan sa ilalim ni Sec. Dizon, partikular sa modernisasyon ng transportasyon, kaligtasan ng mga commuter, at episyenteng implementasyon ng mga proyekto.


Kasabay nito, bumuo rin ang Pangulo ng isang Independent Commission to Investigate Flood Control Anomalies na magsasagawa ng masusing pagsusuri sa mga proyekto, tukuyin ang mga iregularidad, at magrekomenda ng kaukulang hakbang para sa pananagutan.


Ang mga hakbang na ito ay malinaw na pahayag ng administrasyon sa pagpapatupad ng malinis na pamahalaan, matatag na institusyon, at tapat na serbisyo publiko sa ilalim ng programang Bagong Pilipinas.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page