top of page

TREE GROWING ACTIVITY Isinagawa ng BFP-BARMM sa bayan ng Barira; Maguindanao del Norte Provincial Government, nakiisa sa hakbang

  • 2 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH

Matagumpay ang tree growing activity ng Bureau of Fire Protect-BARMM sa Brgy. Gadung, Barira nitong Abril 7.


Bahagi umano ito ng patuloy na adbokasiya para sa pangangalaga ng kalikasan at pagpapalakas ng ugnayan sa komunidad.


Isinagawa ang aktibidad sa ilalim ng pamamahala ni Acting Regional Director FSSUPT Kadil Tacalul, DSC, kung saan nakipagtulungan ang iba’t ibang ahensya at sektor upang maisakatuparan ang pagtatanim ng mga punla.


Nagbigay naman ng suporta ang Office of the Provincial Agriculturist – Maguindanao del Norte sa pangunguna ni Provincial Agriculturist Shiela Abdulgani, sa pamamagitan ng pamamahagi ng iba’t ibang punla ng mahogany at star apple mula sa kanilang Provincial Nursery.


Kinatawan ng tanggapan, aktibong nakiisa si Laila Tago, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng sama-samang pagkilos para sa kalikasan.


Dinaluhan ang aktibidad ng iba’t ibang stakeholder kabilang ang MENRO Barira, 1st Marine Brigade sa pamumuno ni 1Lt. Jessica Quiling, LGU Barira, Sangguniang Kabataan ng Gadung, at BLGU Gadung sa ilalim ng pamumuno ni Barangay Chairman Haron Dagalangit.


Malaki rin ang naging papel ng kabataan sa aktibidad, na nagpakita ng aktibong partisipasyon sa pagsusulong ng kamalayan at responsibilidad sa pangangalaga ng kapaligiran.


Ipinapakita umano ng naturang inisyatiba ang kahalagahan ng pagtutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan, lokal na pamahalaan, at komunidad sa pagsusulong ng mga programang pangkalikasan tungo sa mas sustenableng hinaharap.



 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page