top of page

Tulong mula sa BARMM Government para sa mga naapektuhan ng lindol sa Manay, Davao Oriental, itinurn over ng Project TABANG

  • Diane Hora
  • Oct 27
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Itinurn over ng BARMM Government ang relief assistance para sa mga pamilya at indibidwal na naapektuhan ng nagdaang lindol sa Manay, Davao Oriental.


Pinangunahan ito ng Project TABANG, katuwang ang Bangsamoro READi, MSSD, MOH, OBBC, at MILG.


Isinagawa ang turn over, araw ng Biyernes, Oktubre 24, 2025. Layunin ng aktibidad na matiyak ang mabilis at maayos na paghahatid ng tulong sa mga apektadong komunidad.


Binigyang-diin ni Chief Minister Abdulraof “Sammy Gambar” Macacua na ang inisyatibang ito ay sumasalamin sa habag at pagkakaisa ng Bangsamoro Government.


Patuloy umano ang Project TABANG sa misyon nitong maghatid ng agarang humanitarian assistance at palakasin ang katatagan ng mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad.


Ang Project TABANG ang isa sa mga flagship programs ng Office of the Chief Minister ng BARMM.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page