Tulong pinansiyal tinanggap ng mahigit 100 Indigent Senior Citizens sa Turtle Islands, Tawi-Tawi mula sa MSS
- Feb 23
- 1 min read
iMINDSPH

Nasa kabuuang 127 indigent senior citizens mula sa iba’t ibang barangay ng bayan ng Turtle Islands ang tumanggap ng tulong pinansiyal mula sa MSSD sa ilalim ng Social Pension o SocPen sa isinagawang payout mula Pebrero 15 hanggang Pebrero 17, 2026.
Sa ilalim ng programa, bawat benepisyaryo ay tumatanggap ng PHP 1,000 na buwanang social pension upang makatulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan, partikular sa pagkain at maintenance medicines.
Samantala, magpapatuloy ang payout ngayong Pebrero 20, 2026, sa MSSD Turtle Islands Unit Office sa Sitio Dambilah, Barangay Taganak, sa pamamagitan ng walk-in arrangement para sa mga unpaid beneficiaries.
Ang Social Pension (SocPen) Program ay isang nationally funded program na ipinatutupad ng MSSD sa buong BARMM bilang bahagi ng mas malawak na mandato ng Bangsamoro Government na magbigay ng kalinga at social protection sa mga nakatatandang sektor ng lipunan.



Comments