top of page

Tulong sa hanapbuhay at pagkain, handog ni Mayor Datu Shameem Mastura sa isang pamilya sa Pinaring, Sultan Kudarat na patuloy na lumalaban sa buhay sa kabila ng hamon

  • Diane Hora
  • Oct 9
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Personal na binisita ni Sultan Kudarat Mayor Datu Shameem Mastura ang isang pamilya sa Barangay Pinaring kung saan kanyang nasaksihan ang sitwasyon ng mag-anak.


Nahabag ang damdamin ng alkalde sa ama ng tahanan na nagsusumikap para sa kanyang anak na may sakit sa puso.


Upang kumita at matustusan ang pangangailangan ng pamilya lalo ng anak na may sakit, Si Mang Dominador Magtulis Jr., nagsasagawa ng house-to-house na pagugupit upang makalikom ng sapat na pera para sa heart operation ng kanyang anak.


Aabot kasi sa walong daang libo hanggang isang milyong piso ang halaga ng operasyon.


Bilang tugon sa kanilang pangangailangan, nagpaabot ng cash assistance si Mayor Mastura upang makapagsimula sila ng maliit na barbershop, at naghandog din ng grocery items.

Kasama rin sa tulong ang suporta mula sa LIMO Program ni Maguindanao del Norte with Cotabato City, Congresswoman Bai Dimple Mastura, upang matulungan ang pamilya na maisakatuparan ang kinakailangang operasyon para sa bata.


Ang LAKBAY TULONG ni Mayor Shameem Mastura ay isang inisyatiba ng alkalde na naglalayong mabigyan ng agarang tulong sa mga labis na naghihirap na residente.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page