TULONG SA MGA BINAHA Hatid ng MSSD sa 498 pamilya sa Tamparan, Lanao del Sur
- Mar 2
- 1 min read
iMINDSPH

498 pamilyang naapektuhan ng pagbaha dulot ng bagyo sa bayan ng Tamparan ang tumanggap ng welfare goods mula sa MSSD noong Pebrero 23 at 26, 2026.
Bawat pamilya ay nakatanggap ng food packs na naglalaman ng 25 kilong bigas at iba’t ibang de-latang pagkain, gayundin ng dignity kits at sleeping kits upang matugunan ang kanilang agarang pangangailangan.
Patuloy ang paghahatid ng agarang tulong ng MSSD sa mga pamilyang Bangsamoro na naapektuhan ng mga kalamidad sa ilalim ng Emergency Relief Assistance (ERA) program. Layunin ng programa na suportahan ang mabilis na pagbangon ng mga komunidad mula sa mga krisis.



Comments