top of page

Tumaas ng 6.4% o P344.47 billion na kita at nakapagtala ng P1.96 trillion na total assets

  • Feb 26
  • 1 min read

iMINDSPH


Umabot sa 6.4% ang kabuuang pagtaas sa net income ng GSIS sa taong 2025 kung saan ay nakapagtala ito ng P344.47 billion pesos na kita.


Nakapagtala rin ang GSIS ng ₱1.96 trilyon na total assets, ayon sa ibinahaging impormasyon ng Radyo Pilipinas.


Ayon kay GSIS President and General Manager Wick Veloso, bunga ito ng maayos na pamamahala ng pananalapi ng bawat miyembro.


Dagdag pa ni Veloso, resulta rin ito ng maayos na pamumuhunan ng GSIS, kaya patuloy na lumalago ang kita ng ahensya.


Muli, tiniyak ni Veloso sa mga miyembro ng GSIS na patuloy nilang pinapangalagaan at pinapalago ang pera ng bawat miyembro upang mas mapakinabangan ito sa hinaharap.


 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page