TUMANGGAP NG TULONG MULA SA MSSDAng 14 pamilya na nasunugan sa Punud at Pagonayan, Amai Manabilang, Lanao del Sur
- 6 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Hatid ng MSSD ang food pack na naglalaman ng 25 kilong bigas, kape, at mga de-latang pagkain sa 14 pamilyang nasunugan sa Brgy. Punud at Pagonayan sa bayan ng Amai Manabilang, Lanao del Sur.
Isinagawa ang distribusyon, araw ng Huwebes, Marso 19, 2026.
Nagbigay rin ng iba’t ibang non-food items tulad ng sleeping kit, hygiene kit, cleaning kit, cooking kit, water kit, at modular tent upang makatulong sa pansamantalang paninirahan ng mga apektadong pamilya.
Bukod dito, tumanggap din ang bawat pamilya ng tig-P5,000 na tulong pinansyal mula sa lokal na pamahalaan.
Isinagawa ang pamamahagi sa ilalim ng Emergency Relief Assistance (ERA), isang programa ng MSSD na naglalayong maghatid ng agarang tulong sa mga komunidad sa BARMM na apektado ng iba’t ibang uri ng sakuna at krisis, natural man o dulot ng tao



Comments