Turnover ng ₱15 milyong fish landing port at ang groundbreaking ng ₱15 milyong water system level II project, hatid ng gobyerno sa Lanao del Sur sa ilalim ng PAMANA program
- Jan 22
- 1 min read
iMINDSPH

Pormal na itinurnover ni Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity, ang ₱15 milyong fish landing port sa Lanao del Sur.
Kasabay ng turnover ay ang groundbreaking ng ₱15 milyong water system level II project.
Pareho itong isinagawa noong Enero 16, sa Barangay Nusa, Balindong, Lanao del Sur.
Pinangunahan ito ni OPAPRU Secretar Carlito Galvez Jr..
Ang dalawang proyekto, na may kabuuang halagang ₱30 milyon, ay bahagi ng PAyapa at MAsaganang PamayaNAn Program o PAMANA—isang programang naglalayong ihatid ang peace dividends at kaunlaran sa mga komunidad sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Ito ay pinondohan sa ilalim ng FY 2024 PAMANA Program.
Ang fish landing port ay opisyal nang ipinasa sa lokal na pamahalaan upang magsilbing sentrong pang-ekonomiya para sa mga mangingisda. Inaasahang makababawas ito sa post-harvest losses at magbibigay ng maayos na lugar para sa bentahan ng huli—na direktang magpapataas sa kita ng mga pamilya sa baybayin.
Habang ang konstruksyon ng water system level II project naman na pinondohan sa ilalim ng FY 2025 PAMANA budget, ay nilalayong tugunan ang matagal nang pangangailangan ng komunidad sa maaasahan at ligtas na suplay ng malinis na inuming tubig.
Sa kanyang mensahe, iginiit ni Galvez na ang mga proyektong ito ay higit pa sa simpleng imprastraktura. Ayon sa kanya, ang fish landing port ay simbolo ng komunidad na patuloy na umuusad, matapos ang mga taon ng hindi tiyak na kita ng mga mangingisda. Dagdag pa niya, ang water system ay sumasagisag sa buhay at dignidad—tinitiyak na hindi na kailangang maglakad nang malayo ang mga pamilya para lamang makakuha ng malinis na tubig.



Comments