iMINDSPH
Pormal nang nagsumite ng Sworn Statement sa COMELEC ang United Bangsamoro Justice Party o UBJP. Personal itong isinumite ni UBJP President Murad Ebrahim.
Personal na isinumite ni UBJP President Al Hadj Murad Ebrahim ang kanyang Sworn Statement sa Commission on Elections.
Ang pagsumite ng Sworn Statement ay kinakailangan sa pag-file ng Certificates of Nomination and Acceptance (CONA) ng kanilang mga party bearers sa buong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na mahalagang hakbang para sa darating na 2025 Parliamentary Elections sa rehiyon.
Patunay anila ito ng dedikasyon ng UBJP sa pagsuporta sa malinis at malayang halalan.
Binigyang diin din ng partido na ang pagpili ng nominadong UBJP ay batay sa kanilang kakayahan at karanasan upang masiguro ang tamang pamamahala sa BARMM.
Comentários