Umano’y biktima ng kidnapping, nailigtas ng awtoridad matapos ma-intercept sa Malabang, Lanao del Sur ang sasakyan lulan ang biktima at 2 suspek
- Teddy Borja
- 4 minutes ago
- 1 min read
iMINDSPH

Matagumpay na nailigtas ang isang biktima ng umano’y kidnapping matapos ma-intercept sa Malabang Lanao del Sur ang sasakyan kung saan isinakay ang biktima ng dalawang suspek.
Nailigtas ang biktima matapos isumbong ng isang concerned citizen ang insidente.
Na-intercept ng awtoridad ang sasakyan sa COMELEC checkpoint sa Barangay Matalin, Malabang, araw ng Martes, August 26 at dito na nailigitas ang biktima
Kinilala ang mga naarestong indibiewal sa alyas na “Ansar”, 47-anyos at isang alyas “Ali”, 50-years old, pawang residente ng Sultan Naga Dimaporo na nakuhanan ng dalawang pistola.
Nasa kustodiya na Malabang Municipal Police Station ang mga suspek at inihahahanda na ang kasong kidnapping (R.A. 1084), illegal possession of firearms (R.A. 10591), at paglabag sa COMELEC Gun Ban.
Comments