Umano’y drug den maintainer at tatlong kasamahan nito, arestado sa buy-bust operation sa Buluan, Maguindanao del Norte; Drug den sa lugar, giniba
- Jan 23
- 1 min read
iMINDSPH

Himas rehas ang umano’y drug den maintainer at tatlo nitong kasamahan sa buy-bust operation ng PDEA sa bayan ng Buluan. Sinira din ang drug den sa lugar. Isinagawa ang buy-bust operation a-22 ng Enero, 2026 sa Barangay Digal, Buluan, Maguindanao del Norte.
Kinilala ang drug den maintainer sa alyas na “Rex”, 43 taong gulang, habang ang kanyang mga kasamahan ay sina alyas “Talib”, 31; “Kongking”, 32; at “Ogie”, 25, pawang mga residente ng Barangay Digal, Buluan.
Nasamsam mula sa mga suspek ang sampung heat-sealed transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang anim na gramo, na may tinatayang halaga na ₱40,800.00. Narekober din ang isang mobile phone, buy-bust money, iba’t ibang drug paraphernalia, at isang identification card.
Ang mga suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng PDEA BARMM Jail Facility at sasailalim sa inquest proceedings sa paglabag sa Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Pinangunahan ito ng PDEA Maguindanao del Sur Provincial Office katuwang ang PDEA Maguindanao del Norte Provincial Office, PDEA Regional Intelligence Section, Regional Special Enforcement Team, Land Transportation and Interdiction Unit, mga elemento ng PNP, at ng Buluan Municipal Police Station, kasama ang suporta ng mga yunit ng militar.



Comments