Umano’y drug den maintainer patay, 3 pang suspek, arestado sa madugong buy-bust operation sa Datu Anggal Midtimbang, Maguindanao del Sur; Drug den sa lugar, giniba
- Teddy Borja
- Aug 28
- 1 min read
iMINDSPH

Isa ang nasawi at tatlong suspek ang arestado sa madugong buy-bust operation sa Datu Anggal Midtimbang, Maguindanao del Sur. Giniba rin ng awtoridad ang drug den sa lugar.
Ikinasa ang operasyon sa Barangay Old Nunangan, Datu Anggal Midtimbang, Maguindanao del Sur, araw ng Miyerkules, a-27 ng Agosto, 2025.
Kinilala ang mga suspek sa alyas na "Neng", 32 taong gulang, alyas "Tanggul", 20 anyos na pawang mga residente ng Barangay Nunangan at alyas "Jordan", 34 taong gulang na residente ng Barangay Meta, Datu Unsay.
Ayon sa PDEA BARMM, tinangka pa ng umano’y drug den maintainer na si alyas "Allan"/"Dhats" na bumunot ng baril nang maramdaman umano ang presenya ng operatiba na dahilan ng pagganti at pagpapaputok ng baril ng mga operatiba na nagresulta sa pagkakasugat ng suspek.
Agad naman itong dinala sa pinakamalapit na ospital ngunit dineklarang dead on arrival ng attending physician.
Sa imbestigasyon, nalamang mayroon ng naunang kaso ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sina alyas "Allan" at alyas "Neng" noon pang 2017.
Ang mga naaresto ay haharap sa kasong violation of Sections 5, 6, 7, 11, and 12, Article II of RA 9165.
Naging matagumpay ang operasyon dahil sa aktibong suporta ng ocal Government Unit sa pangunguna ni Mayor Nathaniel Midtimbang, mga myembro ng Peace-Inclined Groups at ang kumunidad ng Datu Anggal Midtimbang, Maguindanao del Sur.



Comments