top of page

Umano'y POGO-Scam Operators timbog sa isinagawang joint law enforcement operation ng awtoridad sa Pampanga

  • Feb 24
  • 1 min read

iMINDSPH



Arestado ang apat na dayuhan sa isinagawang high-profile operation laban sa umano’y POGO-related scam operations.


Batay sa intelligence report mula sa Embassy of Japan in the Philippines at local monitoring units, natukoy ang umano’y koneksyon ng mga suspek sa transnational scam networks na sangkot sa online gaming at POGO-related fraud activities.


Isinagawa ang operasyon, February 18, 2026 na ikina-aresto ng tatlong Japanese at isang Chinese national, dalawang babae na may edad 28 at 31, at dalawang lalaki na edad 42 at 32. Inaresto ang mga ito malapit sa kanilang tirahan habang tangkang umalis ng lugar.


Nahaharap ang mga suspek sa mga paglabag sa immigration laws tulad ng overstaying, pagiging undocumented, at iba pang irregularities. Ayon sa mga awtoridad, sangkot umano ang grupo sa logistics, personnel management, at operasyon ng online scam hubs na nambibiktima ng mga dayuhan.


Dinala ang mga naaresto sa Bureau of Immigration Warden Facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City para sa kaukulang inquest proceedings.


Pinangunahan ng Philippine National Police sa ilalim ni Jose Melencio C. Nartatez Jr. ang operasyon, katuwang ang Bureau of Immigration at ang Presidential Anti-Organized Crime Commission.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page