top of page

UMANO'Y SEXUAL PREDATOR Na may kinakaharap na 36 counts of rape at sexual assualt, arestado ng pulisya sa Parañaque City

  • Mar 3
  • 1 min read

iMINDSPH



Arestado ang 32-anyos na lalaki kaugnay ng

multiple counts of rape, statutory rape, at sexual assault sa isinagawang operasyon ng pulisya.


Kinilala ang suspek na si alyas “Lester”. Inaresto ito sa bisa ng mga warrant of arrest na inilabas ng mga korte.


Kinakaharap ng suspek ang 2 counts of rape na walang piyansa at 5 counts of sexual assault na may piyansang ₱1,000,000 na inilabas ng Family Court Branch 10 sa Parañaque City.


Mayroon din siyang 18 counts of statutory rape na walang piyansa at 11 counts of sexual assault na may inirekomendang piyansang ₱2,200,000 na inilabas ng Family Court Branch 5 sa Trece Martires City, Cavite.


Sa kasalukuyan, nakapiit ang suspek sa custodial facility ng Parañaque City Police Station habang nagpapatuloy ang pagdinig ng mga kaso laban sa kanya.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page