Umano'y suspek sa kasong rape ng menor de edad, isinuko sa Lamitan CPS
- Jan 20
- 1 min read
iMINDSPH

Isinuko at itinurn-over sa Lamitan City Police Station ang umano’y suspek sa panghahalay sa isang 16-anyos na menor de edad na may kapansanan. Pormal na itinurn-over ang suspek sa Lamitan City Police Station kaugnay ng paglabag sa Republic Act No. 8353 o Anti-Rape Law. Ayon sa pulisya, ang insidente ay naganap sa Colony Cemetery, Barangay Colonia, Lamitan City, Basilan, kung saan umano’y biktima ang isang 16-anyos na menor de edad na may kapansanan.
Kasalukuyang nasa custody ng pulisya ang suspek para sa wastong dokumentasyon at inquest proceedings, habang inihahanda na ang kaukulang kaso na ihahain sa Office of the City Prosecutor.



Comments