top of page

Umano’y tulak ng droga, arestado sa buy-bust operation sa Cotabato City; hinihinalang shabu, nasamsam

  • Jan 14
  • 1 min read

iMINDSPH


Timbog ang isang lalaki sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya matapos mahulihan ng hinihinalang shabu.


Ikinasa ng Cotabato City Police Office, sa pangunguna ng Station Drug Enforcement Team, ang buy-bust operation bandang alas-3:00, araw ng Miyerkules, January 13, 2026 sa Sinsuat Avenue, Cotabato City.


Nagresulta ang operasyon sa pagkakaaresto ng suspek na kinilala sa alyas na “Totong”, 36-anyos, binata, at residente ng Pansacala, Mother Barangay Rosary Heights, Cotabato City.


Matagumpay na nabilhan ng police poseur-buyer ang suspek ng dalawang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu, na may tinatayang bigat na humigit-kumulang 0.07 gramo at halagang ₱500.00 bilang object of sale.


Nasamsam din mula sa suspek ang isang ₱500 bill na ginamit bilang marked money, matapos isagawa ang search.


Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Cotabato City Police Office at haharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, habang ang mga nasamsam na ilegal na droga ay isusumite sa RFU-BARMM para sa laboratory examination.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page