top of page

Unag 100% Solar-powered Hospital sa Basilan, opisyal nang pinaandar sa pangunguna ni Governor Mujiv Hataman

  • Dec 31, 2025
  • 1 min read

iMINDSPH



Opisyal na pinaandar ang 100% solar-powered system sa Sumisip District Hospital sa Basilan upang masiguro na ang ilaw, laboratoryo, at operating room ay may kuryente anumang oras, lalo na sa mga sandaling pinakaimportante sa pangangalaga sa pasyente.


Ang makasaysayang proyekto ay isinagawa noong December 18, 2025, sa pangunguna ni Basilan Governor Mujiv Hatman, iba pang mga lokal na opisyal, at mga kinatawan ng ospital.


Kasama ng gobernador na nagsagawa ng inspeksyon ang mga doktor, nurse, at lokal na opisyal upang tiyakin ang maayos na operasyon ng bagong pasilidad. Ang sistemang solar-powered ay bahagi ng Basilan HELPS—isang inisyatiba para sa kalusugan na mas mabilis, mas ligtas, at mas maaasahan.


Layunin ng proyekto na mapalakas ang serbisyong medikal sa Basilan, kung saan bawat pamilya ay may access sa dekalidad na pangangalaga. Ayon sa opisyal, patuloy ang pagtatayo ng mga programang magpapabuti sa kalusugan ng mga residente at magbibigay ng mas maaasahang ospital sa bawat komunidad.




 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page