top of page

Unang DSM pickleball tournament, ilulunsad sa Kudaraten Festival 2026

  • Jan 16
  • 1 min read

iMINDSPH


Ilulunsad ng Sultan Kudarat LGU ang DSM Pickleball Tournament bilang bahagi ng pagdiriwang ng 9th Kudaraten Festival, na gaganapin mula Enero 29 hanggang 31, 2026 sa Sultan Kudarat Maguindanao del Norte Sports Complex sa Sitio Manito, Brgy. Dalumangcob.


Bukas sa publiko ang paligsahan at may libreng registration para sa mga nais sumali.


Inaasahan ang paglahok ng mga pickleball enthusiasts mula sa iba’t ibang lugar upang magtagisan ng husay sa isa sa pinakamabilis lumago na sports sa bansa.


May naghihintay na malalaking gantimpala para sa mga magwawagi:

• Kampeon – ₱50,000

• Unang Puwesto – ₱30,000

• Ikalawang Puwesto ₱10,000


Ayon sa LGU, layunin ng torneo na palaganapin ang pickleball sa rehiyon at bigyang-diin ang adbokasiya ng aktibong pamumuhay at pagkakaisa ng komunidad sa pamamagitan ng sports.


Para sa karagdagang detalye at mga katanungan, maaaring makipag-ugnayan kay Mr. Datulove Taruyan sa pamamagitan ng opisyal na anunsyo sa


Facebook:


Ang DSM Pickleball Tournament ay isa sa mga tampok na aktibidad ng Kudaraten Festival 2026, na inaasahang magdadala ng kasiyahan at sigla sa mga manonood at kalahok.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page