Unang grand rally ng UBJP Parang, Maguindanao del Norte candidates sa barangay Sarmiento, dinagsa!
- Diane Hora
- Apr 7
- 1 min read
iMINDSPH

Mula sa ibayong pagbabago, ibayong pagmamahal ang pangako ni reelectionist Mayor Cahar Ibay sa kanyang contituents sa Parang, Maguinanao del Norte.
Kasama nito ang kanyang runningmate na si Mahal Ali at mga konsehal.
Isinagawa araw ng Linggo, April 6, ang unang grand rally ng UBJP candidates sa bayan sa barangay ng Sarmiento.
Nanguna rin sa rally si Maguindanao del Norte gubernatorial candidates Datu Tucao Mastura at reelectionist Congresswoman Bai Dimple Mastura kasama ang mga tumatakbong board members ng partido.
Nakatakdang isagawa ang proclamation rally ng team UBJP sa bayan ng Parang, bukas, araw ng Martes.
Comentarios